San Jose del Monte City, Bulacan – Matapos ang matagumpay na pagdiriwang sa BRGY S2S – Cebu, handog ng Surf2Sawa, powered by Converge, ang isa nanamang masayang selebrasyon na ngayon ay gaganapin sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan. Papaunlakan ang event sa Marangal Elementary School, Novaliches Street sa darating na Sabado, October 19, 2024 mula 7AM hanggang 6PM. Inaasahang makikisalo ang mga kilalang personalidad na tagapaghatid ng S2S tulad nina Melai Cantiveros – Francisco, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen! Ang kapanapanabik na kaganapan ay hindi lang maghahatid ng saya, palaro at mga premyo dahil kaabikat ng mga aktibidad na ito ang layuning magpaabot ng access sa mas pinabilis na prepaid internet connection na Unli, Mura at Walang Kontrata!
Batay sa datos ng PSA noong 2020, umabot na sa 3.71 milyong katao ang populasyon ng Bulacan, na pinakamalaki sa Central Luzon at tumatayong pangalawa sa 81 na probinsya sa buong bansa. Partikular sa lungsod ng San Jose Del Monte, naitala ang pinakamalaking populasyon na 651,813 katao. Ito ay higit sa doble ng populasyon ng sumunod na Munisipalidad ng Santa Maria, na may populasyon na 289,820 katao. Dahil dito, nakita ng Surf2Sawa ang halaga ng pag hatid ng mura at abot-kayang internet sa Bulacan para mas pagyamanin ang koneksyon ng bawat pamilya at matustusan ang lumalawak na pangangailangan ng modernong pamilya at sambahayan.
Mura, Unlimited Prepaid Internet at Walang Kontrata
Ang Surf2Sawa ay ang prepaid fiber internet plan na abot-kaya, unlimited, at walang lock-in period. Bawat pamilyang Pilipino ay puwede nang maging konektado sa mas pinabilis na internet na umaabot hanggang 50 Mbps, mula sa dating 25 Mbps. At ang pinakamaganda? P4.00 lang kada araw para sa bawat user (hanggang 6 na devices ang pwede kumonekta)!
Dahil prepaid ang Surf2Sawa, malaya kang pumili ng top-up options na babagay sa iyo: mula sa P50 load para sa 1-day service, hanggang P700 para sa 30-day unlimited connectivity. Dahil fixed fiber ang S2S, sa cable dumadaan ang iyong internet. Sa Surf2Sawa, ang bawat bahay ay makakatipid at makakasiguradong ang internet ay mas maasahan!
Brgy S2S: Ready ‘pag Kailangan
Ang Surf2Sawa ay higit pa sa simpleng prepaid internet service; ito ay isang inisyatiba ng Converge na naglalayong magbigay ng mas maginhawang buhay sa lahat. Ang Surf2Sawa ay nakatuon sa pag-enable ng progreso at pagpapabuti ng digital na buhay ng bawat Filipino, sa edukasyon man o trabaho.
Sabi ni Mr. Dhing Pascual, Vice President and Business Unit Head sa Converge ICT, ang main objective ng Brgy S2S daw ay makatulong sa mga kababayang walang access sa internet at namamahalan sa karaniwang offer ng internet plans. Dagdag nya, “What’s important is for us to provide these services sa mga kababayan nating nangangailangan ng internet. Sa pamamagitan ng Surf2Sawa, maa-address natin iyon lahat. Nais namin na malaman ng lahat na ang S2S ang abot-kaya na internet ng bayan na laging ready ‘pag kailangan.
Instant Connect, Instant Panalo!
Sa paglunsad ng BRGY S2S – Bulacan, ang mga residenteng magpupunta at mag-aapply sa araw ng event ay hindi lamang makakatanggap ng 50% discount sa installation fee, makakabitan din sila ng linya sa mismong araw na ‘yon courtesy ng Instant Connect promo. Hindi rin magpapahuli ang mga personalidad na sina Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen na nagsisilbing tagapaghatid ng sangkatutak na saya at papremyo sa lahat. Syempre meron kaabang-abang na performance ang ating mga guests pero bukod don ay maaring ma-experience at makilahok ang mga residente at dadalo sa mga masasayang activities tulad ng Zumba2Sawa, banda mosiko, libreng food carts at pampering services tulad ng gupit at masahe. Tampok ang pinakaaabangan na Dance2Sawa competition, special dance numbers, at ang Sugod Barangay segment kung saan tatlong pamilya ang makakatanggap ng isang taon na libreng internet at iba pang mga papremyo galing sa Surf2Sawa.
Huwag palampasin ang pagkakataong makisali sa makulay na pagsisimula ng Surf2Sawa sa darating na Sabado, October 19, 2024, mula 7AM hanggang 6PM sa Marangal Elementary School, Novaliches Street, Barangay Gaya-gaya, San Juan Del Monte City, Bulacan. Ang libreng event na ito ay puno ng walang-sawang kasiyahan at serbisyo na ambag ng Converge ICT para sa pagtatagumpay ng isang konektadong bansa sa makabagong digital world.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa
TUNGKOL SA CONVERGE ICT SOLUTIONS, INC.
Ang Converge Information and Communications Technology Solutions, Inc. (PSE: CNVRG) ay ang fastest-growing provider ng fixed broadband service sa Pilipinas. Ang Converge ang unang gumamit ng end-to-end pure fiber internet network sa bansa na nagbibigay sa mga Pilipino ng simple, mabilis, at maaasahan na internet connectivity. Bukod sa broadband services, provider din ang Converge ng integrated data center at network solutions services.
Mayroon itong mahigit sa 680,000 kilometro ng fiber optic assets sa buong Pilipinas, kaya isa ito sa may pinakamalawak na fiber networks sa bansa. Sa tulong ng kanilang fiber-powered network, nagbibigay ang Converge ng premium world-class digital experience para sa mga residential, enterprise, at wholesale customers.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.convergeict.com