Kasunod ng matagumpay na launch ng BRGY S2S sa San Jose del Monte, Bulacan, maghahatid naman ng kasiyahan, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa at Converge sa darating na Sabado, November 9, 2024, sa General Trias Memorial Elementary School Brgy. San Juan, General Trias Cavite mula 7AM hanggang 6PM! Kasabay nito ang paglunsad ng mas pinabilis na prepaid fiber internet ng Surf2Sawa na maari nang magamit ng mga Caviteno!
Sa mga nakaraang taon lamang, malaki ang naiambag ng Cavite sa pag-unlad ng Pilipinas. Pati na rin sa bilang ng populasyon, itinuturing ang Cavite bilang isa sa mga pinakamalalaki at pinakamabilis na lumagong probinsya sa bansa. Dahil dito, ikinagagalak ng Surf2Sawa na bumisita sa Cavite upang magbigay ligaya sa mga tao at itampok ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagiging konektado ng bawat komunidad.
Ang Surf2Sawa ay hindi lamang isang prepaid internet service, kundi isang inisyatiba na may layuning matulungan ang bawat pamilya na magkaroon ng mas maginhawang digital na buhay. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng internet na mura, unlimited, at walang kontrata, ang Surf2Sawa ay nagbibigay daan upang maging mas madali ang pag-aaral at paghahanapbuhay para sa maraming mamamayan. Naniniwala si Converge ICT, Head of Consumer Marketing, Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal, na ang internet ay hindi na lamang isang luxury, kundi isang basic need ng bawat Pilipino, katulad ng tirahan, tubig, kuryente, at pagkain. Dagdag pa niya, “Misyon ng Surf2Sawa at BRGY S2S na maghatid ng pinaka-abot-kayang high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas, upang lahat ng Caviteno ay maging konektado.”
Ayon kay Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge ICT, ang pangunahing layunin ng BRGY S2S ay matulungan ang mga kababayang walang access sa internet at nahihirapan sa mga karaniwang internet plans na mataas ang presyo. Dagdag pa niya, “Ang mahalaga sa amin ay maibigay ang mga serbisyong ito sa mga kababayan nating nangangailangan ng internet. Sa pamamagitan ng Surf2Sawa, matutugunan natin ang kanilang pangangailangan. Nais namin iparating sa lahat na ang S2S ay ang abot-kayang internet ng bayan na laging ready kapag kailangan.”
Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Pilipino na maging konektado sa internet na may bilis na ngayon ay umaabot hanggang 50 Mbps (mula sa 25 Mbps) at nagkakahalaga lamang ng P4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwede kumonekta). At dahil prepaid ang Surf2Sawa, makakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan: mula P50 load para sa 1-day service hanggang P700 para sa 30-day unlimited connectivity.
Kaakibat ng abot-kaya at maasahang fiber internet sina Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen na dala-dala ang mga exciting na activities tulad ng Zumba2Sawa, at banda mosiko. Hindi rin mawawala ang pinakaaabangan na Dance2Sawa competition, mga special dance numbers, at ang Sugod Barangay segment, kung saan tatlong pamilya ang magwawagi ng isang taon na libreng internet at iba pang mga papremyo mula sa Surf2Sawa.
Bukod sa libreng food carts, at pampering services tulad ng gupit at masahe, lahat ng residenteng mag-susubscribe sa Surf2Sawa sa araw ng event ay hindi lamang makikinabang sa 50% discount sa installation fee, kundi makakabitan din sila ng linya sa mismong araw na ‘yon, salamat sa Instant Connect promo ng BRGY S2S.
Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng makulay na simula ng Surf2Sawa sa Cavite na magaganap sa darating na Sabado, November 9, 2024, sa General Trias Memorial Elementary School Brgy. San Juan, General Trias Cavite mula 7AM hanggang 6PM. Ang libreng event na ito ay tiyak na puno ng kasiyahan at serbisyong hatid ng Converge ICT, bilang bahagi ng kanilang layuning magtaguyod ng isang konektadong bansa sa digital world.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa