Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S sa General Trias, Cavite, maghahatid naman ng kasiyahan, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa at Converge sa darating na Sabado, November 30, 2024, sa Calaanan Zone 10 Covered Court, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City mula 7AM hanggang 6PM! Halina’t makiisa sa mga exciting na activities at tuklasin ang mas pinabilis na prepaid fiber internet ng Surf2Sawa na ngayon ay magiging available na sa Cagayan de Oro!

Ang Surf2Sawa ay isang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Sa halagang P4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices), makakakuha na ng internet na may bilis na hanggang 50 Mbps (mula sa 25 Mbps). Dahil prepaid ang Surf2Sawa, makakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan: mula P50 load para sa 1-day service hanggang P700 para sa 30-day unlimited connectivity.

Kinilala ang Cagayan De Oro bilang pinakamabilis na lumalagong lungsod sa Northern Mindanao, na nakamit ang 9.4 percent growth rate ayon sa PSA noong 2022. Ngayong taon, kinilala ito bilang ika-6 sa mga Highly Urbanized Cities, mas mataas kaysa sa Makati at sumunod sa lungsod ng Iloilo. Dahil dito, masaya ang Surf2Sawa na makapunta sa Cagayan De Oro hindi lang para maghatid ng kasiyahan sa mga tao ngunit pati narin maipakita ang halaga ng pagkakaisa at pagiging konektado ng bawat komunidad.

Syempre hindi mabubuo ang Brgy. S2S ng wala ang S2S Fiberkads na sina Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen na magdadala ng mga exciting activities tulad ng Zumba2Sawa, banda mosiko, at ang pinakaaabangang Dance2Sawa competition! May mga special dance numbers din at ang Sugod Barangay segment kung saan tatlong pamilya na naman ang magwawagi ng isang taon na libreng internet at kasama ng iba pang papremyo mula sa Surf2Sawa.

Hindi rin mawawala ang mga libreng food carts at pampering services tulad ng gupit at masahe. Ang mga residenteng magsusubscribe sa Surf2Sawa sa araw ng event ay makikinabang sa 50% discount sa installation fee at makakabit pa ang kanilang linya sa mismong araw, salamat sa Instant Connect promo ng BRGY S2S.

Ang Surf2Sawa ay hindi lang basta prepaid internet service—ito ay isang inisyatiba upang matulungan ang bawat pamilya na magkaroon ng mas maginhawang digital na buhay. Sa pamamagitan ng internet na mura, unlimited at walang kontrata, napapadali ang edukasyon at trabaho para sa lahat. Ayon kay Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal, Head ng Consumer Marketing ng Converge ICT, “Ang internet ay hindi na isang luxury, kundi isang pangunahing pangangailangan katulad ng tubig, kuryente, at pagkain. Layunin ng Surf2Sawa at BRGY S2S na maghatid ng abot-kayang high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas.”

Ayon naman kay Mr. Dhing Pascual, Vice President at Business Unit Head ng Converge, ang BRGY. S2S ay layuning matulungan ang mga kababayan na walang access sa internet o nahihirapan sa mataas na presyo o komplikadong proseso ng ibang internet plans. “Mahalaga sa amin na maibigay ang mga serbisyong ito sa mga kababayang nangangailangan. Dahil sa Surf2Sawa, matutugunan natin ang mga pangangailangang digital ng bawat pamilya. Dahil ang S2S ang abot-kayang internet ng bayan, laging handa kapag kailangan!”

Ipagdiwang ang pagdating ng Surf2Sawa sa darating na Sabado, November 30, 2024, sa Calaanan Zone 10 Covered Court, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City mula 7AM hanggang 6PM. Ang libreng event na ito ay puno ng kasiyahan at excitement, at bahagi ng misyon ng Surf2Sawa powered by Converge na maging konektado ang bawat Pilipino sa digital world!

Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa